PAG-IBIG AT KASAWIAN
sa panulat ni Kevin Christian Yalong
Ito ay ang kwento ng pag-iibigan nina Pronce at Elle. Sila’y nagkakilala sa isang piging ng pareho nilang kaibigan. Nagkapareha sila sa sayawan ng gabing iyon. Hindi inaasahan ng dalawa na magugustuhan nila ang isa’t isa. Pagkatapos ng gabing iyon ay araw-araw nang nakikipagkita si Prince sa dalaga hanggang sa dumaan ang ilang araw at nanligaw na nga ito kay Elle. Hindi naglaon ay naging magkasintahan ang dalawa. Lumipas ang maraming taon, naging matatag ang relasyon ng dalawa. Nalagpasan nila ang mga pagsubok na humadlang at sumubok sa katatagan ng kanilang pagmamahalan. Limang taon na silang magkasintahan kaya naman naisipan na ni Prince na mamanhikan sa bahay ni Elle upang kunin ang kamay nito. Inalok ng kasal ng binata si Elle at hindi naman nito binigo ang kasintahan.
Pagkatapos ikasal ng dalawa ay nagkaroon ng malaking piging sa isang “garden-inspired venue” kung saan narito ang mga kamag-anak ng dalawang partido at mga kaibigan. May mga musikerong tumutugtog at mga magklakaparehang nagsasayawan. Mga ilaw na nagliliwanag nang gabing iyon. Napakasaya ng gabing iyon. Kitang-kita sa mga mata ng bagong kasal ang nag-aalab na pagmamahalan.
Ilang taon ang lumipas, nagkaroon ng isang anak na lalake at dalawang anak na babae ang mag-asawa. Isang pamilyang masaya’t may masaganang buhay. Isang gabi, sa hapagkainan kung saan ay sabay-sabay na kumakain ang mag-anak. Bigla na lamang tumumba sa kinauupuan si Prince at iniinda ang sakit ng ulo nito. Alalang-alala si Elle. Sinugod sa ospital si Prince. Hindi inaasahan ni Elle ang nakita ng doctor sa kalagayan ni Prince. Ayon sa doctor ay may kanser sa utak ang pasyente. Nanlumo sa kinatatayuan si Elle ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang sasabihin. Hanggang sa tuluyang sumabog ang kanyang dibdib sa nalaman. Iyak ng iyak si Elle. Hindi na niya alam ang gagawin pag nawala pa ang asawang katuwang niya sa buhay.
Ilang araw, linggo, at buwan ang lumipas. Kitang-kita na sa katawan ni Prince ang panghihina. MUkhang hindi na nga ito magtatagal. Kaya naman sinusulit na ng mag-anak ang mga panahong kasama pa nila ang padre de pamilya. Patuloy sa pag-aalaga si Elle sa asawa. Pilit tinatatagan ang sarili alang-alang sa aswa’t mga anak. Hanggang isang gabi, tuluyan na ngang namaalam si Prince sa kanila. Iyak ng iyak ang mga anak. Hindi na alam ni Elle ang gagawin ngayong wala na sa piling niya ang asawa.
Ilang taon ang lumipas, sariwa pa rin sa mag-anak ang alaala ni Prince. Nagpatuloy sa buhay si Elle, sa pagtaguyod sa mga anak, at sa lahat ng mga bagay na noo’y kasama niya ang asawasa pagharap rito. Natutunan ni Elle na tanggapin ang mga pangyayari at naging mas matatag ito. Kahit paminsa’y nalulungkot sila kapag naaalala si Prince, hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sa buhay dahil alam nila na kung nasaan man si Prince ngayon ay masaya na ito at tahimik.
Sa paglipas ng maraming taon ay muling nakatagpo si Elle ng lalakeng magmamahal sa kanya. Hindi nagtagal ay nag-asawa muli si Elle at nagkaroon muli siya ng katuwang sa buhay. Sa pagtatanto ni Elle, marahil ito talaga ang itinakdang mangyari ng diyos sa kanya dahil lahat ay nangyayari para sa mga rason at dahilan at ang mga rason at dahilan na ito ang dapat natin alamin.
- WAKAS -
No comments:
Post a Comment