Wednesday, November 24, 2010

My Fictitious Character

BUGSO NG DAMDAMIN 
sa panulat ni Kevin Christian Yalong



Mga Tauhan:  

          Kieron – miyembro ng ikatlong kasarian; itinatago ang totoong pagkatao
          Lex – isang gwapong binata, matangkad, at maganda ang katawan; kaibigan ni Kieron


Isang umaga, abalang abala si Kieron sa pag-aayos ng kanyang mga gamit para sa unang araw ng klase sa ikalawang semestre. Pag kadating niya sa kanilang unibersidad, habang papalakad papunta sa kanyang klase ay hindi sadyang nabunggo siya ng isang lalakeng gwapo, matangkad, at maganda ang pangangatawan – si Lex. Sandaling huminto non ang oras para kay Kieron na animoy biglang may tumugtog na musika sa kanyang isipan habang dahan-dahang naglalaglagan ang mga pira-pirasong rosas. Nang humingi ng paumanhin si Lex sa pagkakabangga niya kay Kieron ay agad bumalik sa reyalidad ang natulalang pusong mamon.  Patuloy sa paglakad si Kieron. Hindi pa rin maka-move on sa nangyare. Malakas ang kaba sa dibdib na para bang na-“love at first sight.”

Araw ng Biyernes, English class, nasa isip pa rin ni Kieron ang lalakeng sandaling naka-agaw ng kanyang atensyon. Sa kalagitnaan ng klase, may biglang kumatok. Nagulat si Kieron nang makita ang lalakeng noon ay papasok ng kanilang room sapagkat iyon din ang lalakeng nakabanggaan niya nung unang araw ng pasukan. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ni Kieron. Lalong lumakas ng tabihan siya nito. “Hi, I’m Lex (sunggab ng pakikipag-kamay), ikaw, ano’ng pangalan mo?”, ang sabi ni Lex. Natahimik si Kieron. Hindi niya akalaing magiging magkaklase sila ni Lex.

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan, naging matalik na magkaibigan sina Kieron at Lex. Madalas silang magkasama sa pagkain, paggawa ng mga takda, pamamasyal, at sa halos lahat ng bagay laging sila ang magkatuwang. Hindi alam ni Lex na si Kieron ay isang bading. Patuloy sa pagpapanggap si Kieron. Ayaw niyang malaman ni Lex ang tunay niyang pagkatao dahil ayaw niyang iwasan siya nito.

Isang gabi ay nagkaayaang mag-inuman ang magkaibigan sa apartment ni Kieron. Nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa mga buhay-buhay nila. Naparami na ng naparami ang naiinum ng dalawa. Hithit dito, buga doon, tagay dito, lagok doon. Hanggang sa tuluyan na ngang nalasing si Lex hanggang sa magsuka na ito. Kaya pa naman ni Kieron ang kanyang sarili sa mga sandaling iyon. Inakyat ni Kieron si Lex sa kanyang kwarto at inihiga ito sa kanyang kama sabay sabi, “Magpalit ka na ng damit mo, puro suka. Liligpitin ko lang yung pinag-inuman natin sa baba.” Pag katapos magligpit ni Kieron ay tinignan na muna niya si Lex sa kanyang kwarto bago siya matulog sa sofa. Nakatulog na si Lex nang hindi man lang nakapagpalit ng damit. Punung-puno ng suka ang damit niya. Naawa si Kieron kaya napag-isipan nitong palitan ang suot ni Lex. Kumuha si Kieron ng shorts at T-shirt pamalit sa suot ni Lex. Dahan-dahang tinanggal ni Kieron ang damit ni Lex. Kitang-kita niya ang maputi at maskuladong katawan ni Lex na parang pang-model ng underwear. Sumunod ay dahan-dahang tinanggal ni Kieron ang suot na pantaloon ni Lex. Napalunok si Kieron, pinagpapawisan, kinakabahan sa mga sandaling iyon. Kitang kita niya ang buong katawan ni Lex. Parang mina-magnet ang kamay ni Keron papunta sa nakabukol na bahagi ng katawan ni Lex. Sinubukang pigilan ni Kieron ang kanyang sarili pero hindi niya nagawa. Lumapat ang kamay ni Kieron sa ibabaw ng brief ni Lex. Ramdam na ramdam niya. Muli ay napalunok siya, patuloy sa pagbilis ang kabog sa dibdib. Hinawakan niya ang brief ni Lex at unti-unting ibinaba. "Pagkakataon ko na! Matitikman ko na ang mahal ko!", ang sabi niya sa sarili. "Pero tama ba tong gagawin ko?", tanong ni Kieron sa kanyang sarili. Pinigilan niya ang kanyang sarili. Umupo siya at huminga ng malalim. Tinitignan niya si Lex habang natutulog. Nang muling magkalakas ng loob ay unti-unti siyang lumapit sa mukha ni Lex. Dahan-dahan, papalapit ng papalapit hanggang sa maglapit na ang mukha ng dalawa. Pumikit si Kieron at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa labi ni Lex. Konti nalang at magdidikit na ang kanilang mga labi. Hanggang sa naglapat na nga ang kanilang mga labi. Sinamantala ni Kieron ang pagkalasing ni Lex. Patuloy niyang hinalikan ito. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang gumalaw si Lex. Nagulat siya kayat tinigil niya ang paghalik dito. Iniwan niya si Lex sa kwarto at pumunta na siya sa sofa para matulog. Hindi pa rin mawala sa isip ni Kieron ang ginawa niya. Patuloy sa pag-iisip hanggang sa nakatulog na ang mapusok na pusong mamon.

Kinabukasan, nagulat si Kieron nang sa pag gising niya ay wala na si Lex sa kanyang kwarto. Hinanap niya ito ngunit hindi na niya nakita si Lex. Hindi niya maintindihan ang nangyari kung kaya’t dali-dali niya itong tinext at tinawagan para alamin. Ilang beses na niyang itong tinext at tinawagan pero wala siyang natatanggap na reply at hindi sinasagot ang kanyang mga tawag. Nalungkot si Kieron. Iniisip niya kung bakit bigla na lang umalis si Lex sa kanyang apartment.

Araw muli ng Biyernes nang muli silang magkita ni Lex. Laking gulat niya nang hindi siya kibuin nito. Hindi siya tinabihan at hindi siya pinapansin na para bang hindi siya kilala. Napaka-bigat ng pakiramdam noon ni Kieron. Para bang napagsakluban siya ng langit at lupa. Biglang gumuho nang mga sandaling iyon ang kanyang mundo sa hindi niya inasahang iaasal sa kanya ni Lex. Sinubukan niya itong lapitan para kausapin ngunit patuloy ang pag-iwas ni Lex. Hinayaan nalang muna ni Kieron si Lex. Patuloy pa rin siya sa pag-iisip kung bakit ganoon na lamang ang trato ng kaibigan sa kanya. Hanggang sa naisip niya ang posibilidad na alam ni Lex ang nangyari nung gabing nag-inuman sila.

Kinagabihan ng araw pa ring iyon ay nagulat si Kieron nang biglang may kumatok sa pinto ng kanyang apartment. Laking gulat niya nang pag bukas niya ay isang malakas na sapak ang sumambulat sa kanya. Si Lex – patuloy sa pagsuntok sa kaibigan habang tinatanong ang “Pa’no mo nagawa ‘yon?! Bakit?!” Patuloy ang pag-usig ng binata sa kaibigang walang kalaban-laban. Hanggang sa tinulak ni Kieron si Lex sabay sabing “Tama na! Hindi ko sinadya ang nangyare. (Paiyak na si Kieron) Nadala lang ako. Oo, tama yung iniisip mo, bakla ako! Bakla! Matagal na kong may nararamdaman para sa’yo! Sa simula pa lang minahal na kita Lex! Oo, mahal kita!” Hanggang sa bumuhos na nga ang luha ni Kieron. Nagulat si Lex sa mga narinig. Hindi nito alam ang sasabihin. Hanggang sa nilapitan ni Lex si Kieron. Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang napagtanto nitong mahal din niya ang kaibigan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Patuloy sa pagyakap si Lex kay Kieron. Hinalikan niya ito. Hanggang sa nauwi na nga sa hindi nila iaasahang mangyayare. Hindi na nila napigilan ang isa’t isa sa bugso ng kanilang mga damdamin.



                                  -WAKAS- 

No comments:

Post a Comment