Napakasarap isipin ang posibilidad ng tanong na ito. Kahit sino siguro ay maraming maisasagot rito. Kung ako ang mananalo sa 6/55 Grand Lotto na ngayo’y kasalukuyang may jackpot prize na nagkakahalagang hindi bababa sa P700 Million, unang-una sa lahat ay sisiguraduhin ko muna ang kaligtasan ng buo kong pamilya. Lilipat kami ng tirahan sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa amin. Ikalawa, siyempre papauwiin ko na ang mahal kong ina na tatlong taong nagtrabaho sa ibang bansa upang itaguyod an gaming pamilya. Dahil kung ako man ang mananalo, hindi na kailangan pang magtrabaho sa malayo ng Mama ko. Kasunod nito, ilalagay ko sa bangko ang pera.
Ibibigay ko sa Mama ko ang P100 M, P100 M din para sa lola’t lolo ko na nag-alaga sa amin habang nasa ibang bansa si Mama. Tig-iisang milyon naman para sa lahat ng mga kamag-anak. P100 M naman ang ilalaan ko para sa iba’t ibang charity at sa aming simbahan. Walang dalawang-isip kong gagawin ang mga nauna kong nabanggit sapagkat naniniwala ako na kapag nagbigay ka ay doble, triple, o higit pa ang balik nito sa iyo. Ang mga natira sa jackpot prize ay aking pagyayamanin at palalaguin sa pamamagitan ng pagnenegosyo at investments sa tulong at gabay narin ng aking ina.
Pag naglaon, makakabili na ko ng malaking mansion para sa Mama ko at para rin sa aming magkakakapatid.
Bibili ako ng kotse, tig-i-tig-isa para sa mga kapatid ko at para sa Mama ko. Magtatabi rin ako ng pera para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral at pag graduate ko, kaalin-sabay nito ang pagtupad ko sa mga pangarap ko hindi lang para sa sarili ko ko kundi para din sa lahat ng mahal ko. Nais kong magkaroon ng lahat ng mga ninanais ko, ang iba’t ibang gadgets, mga luho na alam kong makakamtan ko pag nangyari iyon. Pupunta ako sa iba’t ibang bansa, sa lahat ng lugar na pinapangarap kong marating.
Nais ko ring magkaroon ng resorts, recording company, malls, airport, call center companies, at marami pang iba, upang sa gayon ay hindi huminto ang ikot ng pera. Pero siyempre, hindi lang sap era iikot ang mundo ko dahil para sa akin, pangalawa lang ito dahil ang pamilya pa rin dapat ang prayoridad sa buhay. Sa lahat ng ito, nakikita ko ang sarili ko na may maginhawa’t masaganang buhay kasama ang pamilya ko – masaya’t buo.
No comments:
Post a Comment