Monday, January 24, 2011

Foreground and Background

Foreground:

Ang bading ay pangit na kinukutya ng mga taong nasa paligid niya, walang nagkakagusto sa kanya. May isang establishimento, tindahan ng pabango, mahiwaga pala ang pabango na kayang magpabago sa anyo ng gagamit nito. Gusto ng bading na magkaroon ng tunay na magmamahal sa kanya. Nagkaron siya ng kasintahan, biglang bumalik ito sa dati nitong anyo sa mismong gabi ng engagement party nila. Nagkahiwalay sila, muling binalikan ng bading ang tindahan ngunit naglaho na ito. Ginamit niya ang huling patak ng mahiwagang pabango at nagkita silang muli ng lalake. Ang lalake pala ay gumagamit rin ng pabangong halintulad sa bading, ito pala ay isang tomboy. Hanggang sa natanggap nila ang pagkatao ng isa’t isa at sila’y nagsama.


Background:

Malungkot ang bading sa buhay na kanyang nararanasan kaya’t nang napasakanya ang mahiwagang pabango ay nagbago ang kanyang buhay na kabaligtran sa dati niyang nararanasan. Pantasya at tungkol sa naiibang pag-ibig ang nilalaman ng storyang ito. 

No comments:

Post a Comment