Thursday, December 16, 2010

Anatomiya ng Korupsyon - a Play Review

          Ang dulang aming napanuod noong Sabado ng Disyembre 4 sa CCP ay ang Anatomiya ng Korupsyon sa panulat ni Malou Jacob at sa direksyon ni Roobak Valle. Ito ay tumatalakay sa reyalidad ng mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan noon magpahanggang ngayon - ang paglaganap ng korupsyon. Sa dula ay ipinakita ang mga nangyayaring pamamalakad sa isang korte kung saan narito ang iba't ibang mga empleyado - abogado, stenographer, clerk, judge, at iba pa - na umiikot sa isang bulok na sistema maliban sa isang abogandong hadlang sa kamaliang ginagawa ng kanyang mga kasamahan sa opisina, at dahil rito ay hindi niya nakasundo ang mga taong nakapaligid sa kanya. Makikita natin sa dula kung paano niya hinarap ang buhay ng pagiging abogado at kung paano siya nakisama sa kanyang mga ka-trabaho. Nanindigan ba siya sa kanyang paniniwala o nagpalamon din siya sa usok ng bulok na sistema?

          Sa entablado, makikitang reyalistiko ang mga props na ginamit at ang set kung saan pinapakita na nasa loob ng isang opisina sa korte ang pinangyayarihan ng palabas. Maayos ang mga ilaw na ginamit, ang special light na mas nagpaigting ng mga eksena. Ang mga costume ay magaganda't naaayon sa mga karakter na pino-portray ng mga aktor.

          Sa pag-arte naman ng mga aktor ay makikitang mga propesyonal na ang mga ito kaya naman naging maganda ang kinalabasan ng palabas. Binantayan ko ang bawat pagpapalit ng mga ibang aktor ng kanilang mga karakter. Makikita rin dito ang kanilang propesyonalismo sapagkat alam kong mahirap ang pag-arte ng "multi-roles" sa isang produksyon.

          Sa direksyon naman ng dula ay makikitang pinag-isipan ito ng mabuti. Maganda ang mga pag-atakeng ginawa ng mga aktor sa bawat karakter na kanilang ginanapan. Magaling at tumatak sa mga ,anunuod ang technique na ginamit para sa panimula at wakas ng palabas. Sa kabuuan ay makikita nating na-interpret ng mahusay ang materyal ng dula.

          Sa dulang aming napanuod ay nagustuhan ko ang wakas sapagkat nag-iwan ito ng isang malaking katanungan sa mga manunuod kung patuloy bang nanindigan ang bida sa kanyang paniniwala o para sa pakikisama ay nagpalamon na din siya sa sistemang umiiral sa mundong kanyang ginagalawan? Sa palagay ko, sa mga palabas na tulad nito ay naipapakita ang reyalidad sa ating lipunan kaya't natutulungang mamulat ang mga tao at nagiging bukas ang kanilang mga isipan sa mga aral na dapat ay ating isa-buhay.

Tuesday, November 30, 2010

Kung Mapapanalunan Mo Ang Jackpot Prize ng 6/55 Grand Lotto, Paano Mo Ito Gagamitin?

Napakasarap isipin ang posibilidad ng tanong na ito. Kahit sino siguro ay maraming maisasagot rito. Kung ako ang mananalo sa 6/55 Grand Lotto na ngayo’y kasalukuyang may jackpot prize na nagkakahalagang hindi bababa sa P700 Million, unang-una sa lahat ay sisiguraduhin ko muna ang kaligtasan ng buo kong pamilya. Lilipat kami ng tirahan sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa amin. Ikalawa, siyempre papauwiin ko na ang mahal kong ina na tatlong taong nagtrabaho sa ibang bansa upang itaguyod an gaming pamilya. Dahil kung ako man ang mananalo, hindi na kailangan pang magtrabaho sa malayo ng Mama ko. Kasunod nito, ilalagay ko sa bangko ang pera. 


Ibibigay ko sa Mama ko ang P100 M, P100 M din para sa lola’t lolo ko na nag-alaga sa amin habang nasa ibang bansa si Mama. Tig-iisang milyon naman para sa lahat ng mga kamag-anak. P100 M naman ang ilalaan ko para sa iba’t ibang charity at sa aming simbahan. Walang dalawang-isip kong gagawin ang mga nauna kong nabanggit sapagkat naniniwala ako na kapag nagbigay ka ay doble, triple, o higit pa ang balik nito sa iyo. Ang mga natira sa jackpot prize ay aking pagyayamanin at palalaguin sa pamamagitan ng pagnenegosyo at investments sa tulong at gabay narin ng aking ina. 


Pag naglaon, makakabili na ko ng malaking mansion para sa Mama ko at para rin sa aming magkakakapatid. 

Bibili ako ng kotse, tig-i-tig-isa para sa mga kapatid ko at para sa Mama ko. Magtatabi rin ako ng pera para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral at pag graduate ko, kaalin-sabay nito ang pagtupad ko sa mga pangarap ko hindi lang para sa sarili ko ko kundi para din sa lahat ng mahal ko. Nais kong magkaroon ng lahat ng mga ninanais ko, ang iba’t ibang gadgets, mga luho na alam kong makakamtan ko pag nangyari iyon. Pupunta ako sa iba’t ibang bansa, sa lahat ng lugar na pinapangarap kong marating. 


Nais ko ring magkaroon ng resorts, recording company, malls, airport, call center companies, at marami pang iba, upang sa gayon ay hindi huminto ang ikot ng pera. Pero siyempre, hindi lang sap era iikot ang mundo ko dahil para sa akin, pangalawa lang ito dahil ang pamilya pa rin dapat ang prayoridad sa buhay. Sa lahat ng ito, nakikita ko ang sarili ko na may maginhawa’t masaganang buhay kasama ang pamilya ko – masaya’t buo.

Blind Item!

May chika ako! Tiyak maku-curious ka kung sino… Sino itong estudyante ng CEU na dancer slash singer slash fashionista na ubod ng gwapo at sobrang hot dahil sa kanyang sexy and gym fit body at sa lakas ng kanyang sex appeal na napapabalitang isa raw pala itong halamang dagat! Truueee mga madam! Ayon sa isang source, ang hotness daw na ito ay namataang may ka-date na kapwa lalake sa isang coffee shop. Oha! At ito pa, amoy na amoy na daw siya ng aking mga beki friends dahil sa tuwing makikita ito ay pumapalo sa “boiling point” ang mga bakla-meter nila! Ha-ha-ha! Paminta nga ang hotness na ito! Confirmed! Halatang halata naman na daw sa kilos at pananalita ayaw pang umamin! Kaloka! “Skeliton in the closet” ang drama ng lola mo! Ha-ha-ha! Oh heto ang clue: Early seven kung dumating ang hotness na ito, heartthrob sa mga kababaihan, at super active sa public service! Ha-ha-ha! Oh ano?! Gets mo na ba? Oh siya… ikaw na ang bahalang humula! Ha-ha-ha!

Narrative MTV: La Vie En Rose

PAG-IBIG AT KASAWIAN
sa panulat ni Kevin Christian Yalong


          Ito ay ang kwento ng pag-iibigan nina Pronce at Elle. Sila’y nagkakilala sa isang piging ng pareho nilang kaibigan. Nagkapareha sila sa sayawan ng gabing iyon. Hindi inaasahan ng dalawa na magugustuhan nila ang isa’t isa. Pagkatapos ng gabing iyon ay araw-araw nang nakikipagkita si Prince sa dalaga hanggang sa dumaan ang ilang araw at nanligaw na nga ito kay Elle. Hindi naglaon ay naging magkasintahan ang dalawa. Lumipas ang maraming taon, naging matatag ang relasyon ng dalawa. Nalagpasan nila ang mga pagsubok na humadlang at sumubok sa katatagan ng kanilang pagmamahalan. Limang taon na silang magkasintahan kaya naman naisipan na ni Prince na mamanhikan sa bahay ni Elle upang kunin ang kamay nito. Inalok ng kasal ng binata si Elle at hindi naman nito binigo ang kasintahan.


          Pagkatapos ikasal ng dalawa ay nagkaroon ng malaking piging sa isang “garden-inspired venue” kung saan narito ang mga kamag-anak ng dalawang partido at mga kaibigan. May mga musikerong tumutugtog at mga magklakaparehang nagsasayawan. Mga ilaw na nagliliwanag nang gabing iyon. Napakasaya ng gabing iyon. Kitang-kita sa mga mata ng bagong kasal ang nag-aalab na pagmamahalan.


           Ilang taon ang lumipas, nagkaroon ng isang anak na lalake at dalawang anak na babae ang mag-asawa. Isang pamilyang masaya’t may masaganang buhay. Isang gabi, sa hapagkainan kung saan ay sabay-sabay na kumakain ang mag-anak. Bigla na lamang tumumba sa kinauupuan si Prince at iniinda ang sakit ng ulo nito. Alalang-alala si Elle. Sinugod sa ospital si Prince. Hindi inaasahan ni Elle ang nakita ng doctor sa kalagayan ni Prince. Ayon sa doctor ay may kanser sa utak ang pasyente. Nanlumo sa kinatatayuan si Elle ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang sasabihin. Hanggang sa tuluyang sumabog ang kanyang dibdib sa nalaman. Iyak ng iyak si Elle. Hindi na niya alam ang gagawin pag nawala pa ang asawang katuwang niya sa buhay.

          Ilang araw, linggo, at buwan ang lumipas. Kitang-kita na sa katawan ni Prince ang panghihina. MUkhang hindi na nga ito magtatagal. Kaya naman sinusulit na ng mag-anak ang mga panahong kasama pa nila ang padre de pamilya. Patuloy sa pag-aalaga si Elle sa asawa. Pilit tinatatagan ang sarili alang-alang sa aswa’t mga anak. Hanggang isang gabi, tuluyan na ngang namaalam si Prince sa kanila. Iyak ng iyak ang mga anak. Hindi na alam ni Elle ang gagawin ngayong wala na sa piling niya ang asawa.

          Ilang taon ang lumipas, sariwa pa rin sa mag-anak ang alaala ni Prince. Nagpatuloy sa buhay si Elle, sa pagtaguyod sa mga anak, at sa lahat ng mga bagay na noo’y kasama niya ang asawasa pagharap rito. Natutunan ni Elle na tanggapin ang mga pangyayari at naging mas matatag ito. Kahit paminsa’y nalulungkot sila kapag naaalala si Prince, hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sa buhay dahil alam nila na kung nasaan man si Prince ngayon ay masaya na ito at tahimik.


          Sa paglipas ng maraming taon ay muling nakatagpo si Elle ng lalakeng magmamahal sa kanya. Hindi nagtagal ay nag-asawa muli si Elle at nagkaroon muli siya ng katuwang sa buhay. Sa pagtatanto ni Elle, marahil ito talaga ang itinakdang mangyari ng diyos sa kanya dahil lahat ay nangyayari para sa mga rason at dahilan at ang mga rason at dahilan na ito ang dapat natin alamin.



- WAKAS -

Wednesday, November 24, 2010

My Fictitious Character

BUGSO NG DAMDAMIN 
sa panulat ni Kevin Christian Yalong



Mga Tauhan:  

          Kieron – miyembro ng ikatlong kasarian; itinatago ang totoong pagkatao
          Lex – isang gwapong binata, matangkad, at maganda ang katawan; kaibigan ni Kieron


Isang umaga, abalang abala si Kieron sa pag-aayos ng kanyang mga gamit para sa unang araw ng klase sa ikalawang semestre. Pag kadating niya sa kanilang unibersidad, habang papalakad papunta sa kanyang klase ay hindi sadyang nabunggo siya ng isang lalakeng gwapo, matangkad, at maganda ang pangangatawan – si Lex. Sandaling huminto non ang oras para kay Kieron na animoy biglang may tumugtog na musika sa kanyang isipan habang dahan-dahang naglalaglagan ang mga pira-pirasong rosas. Nang humingi ng paumanhin si Lex sa pagkakabangga niya kay Kieron ay agad bumalik sa reyalidad ang natulalang pusong mamon.  Patuloy sa paglakad si Kieron. Hindi pa rin maka-move on sa nangyare. Malakas ang kaba sa dibdib na para bang na-“love at first sight.”

Araw ng Biyernes, English class, nasa isip pa rin ni Kieron ang lalakeng sandaling naka-agaw ng kanyang atensyon. Sa kalagitnaan ng klase, may biglang kumatok. Nagulat si Kieron nang makita ang lalakeng noon ay papasok ng kanilang room sapagkat iyon din ang lalakeng nakabanggaan niya nung unang araw ng pasukan. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ni Kieron. Lalong lumakas ng tabihan siya nito. “Hi, I’m Lex (sunggab ng pakikipag-kamay), ikaw, ano’ng pangalan mo?”, ang sabi ni Lex. Natahimik si Kieron. Hindi niya akalaing magiging magkaklase sila ni Lex.

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan, naging matalik na magkaibigan sina Kieron at Lex. Madalas silang magkasama sa pagkain, paggawa ng mga takda, pamamasyal, at sa halos lahat ng bagay laging sila ang magkatuwang. Hindi alam ni Lex na si Kieron ay isang bading. Patuloy sa pagpapanggap si Kieron. Ayaw niyang malaman ni Lex ang tunay niyang pagkatao dahil ayaw niyang iwasan siya nito.

Isang gabi ay nagkaayaang mag-inuman ang magkaibigan sa apartment ni Kieron. Nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa mga buhay-buhay nila. Naparami na ng naparami ang naiinum ng dalawa. Hithit dito, buga doon, tagay dito, lagok doon. Hanggang sa tuluyan na ngang nalasing si Lex hanggang sa magsuka na ito. Kaya pa naman ni Kieron ang kanyang sarili sa mga sandaling iyon. Inakyat ni Kieron si Lex sa kanyang kwarto at inihiga ito sa kanyang kama sabay sabi, “Magpalit ka na ng damit mo, puro suka. Liligpitin ko lang yung pinag-inuman natin sa baba.” Pag katapos magligpit ni Kieron ay tinignan na muna niya si Lex sa kanyang kwarto bago siya matulog sa sofa. Nakatulog na si Lex nang hindi man lang nakapagpalit ng damit. Punung-puno ng suka ang damit niya. Naawa si Kieron kaya napag-isipan nitong palitan ang suot ni Lex. Kumuha si Kieron ng shorts at T-shirt pamalit sa suot ni Lex. Dahan-dahang tinanggal ni Kieron ang damit ni Lex. Kitang-kita niya ang maputi at maskuladong katawan ni Lex na parang pang-model ng underwear. Sumunod ay dahan-dahang tinanggal ni Kieron ang suot na pantaloon ni Lex. Napalunok si Kieron, pinagpapawisan, kinakabahan sa mga sandaling iyon. Kitang kita niya ang buong katawan ni Lex. Parang mina-magnet ang kamay ni Keron papunta sa nakabukol na bahagi ng katawan ni Lex. Sinubukang pigilan ni Kieron ang kanyang sarili pero hindi niya nagawa. Lumapat ang kamay ni Kieron sa ibabaw ng brief ni Lex. Ramdam na ramdam niya. Muli ay napalunok siya, patuloy sa pagbilis ang kabog sa dibdib. Hinawakan niya ang brief ni Lex at unti-unting ibinaba. "Pagkakataon ko na! Matitikman ko na ang mahal ko!", ang sabi niya sa sarili. "Pero tama ba tong gagawin ko?", tanong ni Kieron sa kanyang sarili. Pinigilan niya ang kanyang sarili. Umupo siya at huminga ng malalim. Tinitignan niya si Lex habang natutulog. Nang muling magkalakas ng loob ay unti-unti siyang lumapit sa mukha ni Lex. Dahan-dahan, papalapit ng papalapit hanggang sa maglapit na ang mukha ng dalawa. Pumikit si Kieron at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa labi ni Lex. Konti nalang at magdidikit na ang kanilang mga labi. Hanggang sa naglapat na nga ang kanilang mga labi. Sinamantala ni Kieron ang pagkalasing ni Lex. Patuloy niyang hinalikan ito. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang gumalaw si Lex. Nagulat siya kayat tinigil niya ang paghalik dito. Iniwan niya si Lex sa kwarto at pumunta na siya sa sofa para matulog. Hindi pa rin mawala sa isip ni Kieron ang ginawa niya. Patuloy sa pag-iisip hanggang sa nakatulog na ang mapusok na pusong mamon.

Kinabukasan, nagulat si Kieron nang sa pag gising niya ay wala na si Lex sa kanyang kwarto. Hinanap niya ito ngunit hindi na niya nakita si Lex. Hindi niya maintindihan ang nangyari kung kaya’t dali-dali niya itong tinext at tinawagan para alamin. Ilang beses na niyang itong tinext at tinawagan pero wala siyang natatanggap na reply at hindi sinasagot ang kanyang mga tawag. Nalungkot si Kieron. Iniisip niya kung bakit bigla na lang umalis si Lex sa kanyang apartment.

Araw muli ng Biyernes nang muli silang magkita ni Lex. Laking gulat niya nang hindi siya kibuin nito. Hindi siya tinabihan at hindi siya pinapansin na para bang hindi siya kilala. Napaka-bigat ng pakiramdam noon ni Kieron. Para bang napagsakluban siya ng langit at lupa. Biglang gumuho nang mga sandaling iyon ang kanyang mundo sa hindi niya inasahang iaasal sa kanya ni Lex. Sinubukan niya itong lapitan para kausapin ngunit patuloy ang pag-iwas ni Lex. Hinayaan nalang muna ni Kieron si Lex. Patuloy pa rin siya sa pag-iisip kung bakit ganoon na lamang ang trato ng kaibigan sa kanya. Hanggang sa naisip niya ang posibilidad na alam ni Lex ang nangyari nung gabing nag-inuman sila.

Kinagabihan ng araw pa ring iyon ay nagulat si Kieron nang biglang may kumatok sa pinto ng kanyang apartment. Laking gulat niya nang pag bukas niya ay isang malakas na sapak ang sumambulat sa kanya. Si Lex – patuloy sa pagsuntok sa kaibigan habang tinatanong ang “Pa’no mo nagawa ‘yon?! Bakit?!” Patuloy ang pag-usig ng binata sa kaibigang walang kalaban-laban. Hanggang sa tinulak ni Kieron si Lex sabay sabing “Tama na! Hindi ko sinadya ang nangyare. (Paiyak na si Kieron) Nadala lang ako. Oo, tama yung iniisip mo, bakla ako! Bakla! Matagal na kong may nararamdaman para sa’yo! Sa simula pa lang minahal na kita Lex! Oo, mahal kita!” Hanggang sa bumuhos na nga ang luha ni Kieron. Nagulat si Lex sa mga narinig. Hindi nito alam ang sasabihin. Hanggang sa nilapitan ni Lex si Kieron. Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang napagtanto nitong mahal din niya ang kaibigan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Patuloy sa pagyakap si Lex kay Kieron. Hinalikan niya ito. Hanggang sa nauwi na nga sa hindi nila iaasahang mangyayare. Hindi na nila napigilan ang isa’t isa sa bugso ng kanilang mga damdamin.



                                  -WAKAS- 

Sunday, November 21, 2010

Making Dreams Come True


If you desire to move forward in life towards fulfillment,
you should not, at any time complain about the obstacles.

To complain of difficulties is to betray weakness and lack of faith.

Every obstacle is a golden opportunity for further progress.
Those who transfer obstacles into opportunities are true leaders.

They make dreams come true.

Saturday, November 20, 2010

LESSONS IN LIFE

I've learned that we don't have to change friends if we understand that friends change.

I've learned that no matter how good a friend is, they're going to hurt you every once in a while and you must forgive them for that.

I've learned that true friendship continues to grow, even over the longest distance. The same goes for true love.

I've learned that you can do something in an instant that will give you heartache for life.

I've learned that it's taking me a long time to become the person I want to be.

I've learned that you should always leave loved ones with loving words. 
It may be the last time you see them.

I've learned that you can keep going long after you can't.

I've learned that we are responsible for what we do, no matter how we feel.

I've learned that either you control your attitude or it controls you.

I've learned that regardless of how hot and steamy a relationship is at first, the passion fades and there had better be something else to take its place.

I've learned that heroes are the people who do what has to be done when it needs to be done, regardless of the consequences.

I've learned that money is a lousy way of keeping score.

I've learned that my best friends and I can do anything or nothing and have the best time.

I've learned that sometimes the people you expect to kick you when you're down, will be the ones to help you get back up.

I've learned that sometimes when I'm angry I have the right to be angry, but that doesn't give me the right to be cruel.

I've learned that just because someone doesn't love you the way you want them to doesn't mean they don't love you with all they have.

I've learned that maturity has more to do with what types of experiences you've had and what you've learned from them and less to do with how many years you have lived.

I've learned that it isn't always enough to be forgiven by others. 
Sometimes you have to learn to forgive yourself.

I've learned that no matter how bad your heart is broken the world doesn't stop for your grief.

I've learned that our background and circumstances may have influenced who we are, but we are responsible for who we become.

I've learned that just because two people argue, it doesn't mean they don't love each other and just because they don't argue, it doesn't mean they do love each other.

I've learned that you shouldn't be so eager to find out a secret. It could change your life forever.

I've learned that two people can look at the same thing and see something totally different.

I've learned that your life can be changed in a matter of hours by people who don't even know you.

I've learned that even when you think you have no more to give, when a friend cries out to you, you will find the strength to help.

I've learned that credentials on the wall do not make you a decent human being.

I've learned that the people you care about most in life are sometimes taken from you too soon.

I've learned that you cannot make someone love you. 
All you can do is be someone who can be loved.
The rest is up to them.

I've learned that no matter how much I care, some people just don't care back.

I've learned that it takes years to build up trust, and only seconds to destroy it.

I've learned that it's not what you have in your life but who you have in your life that counts.

I've learned that learning to forgive takes practice.

I've learned that there are people who love you dearly, but just don't know how to show it.



Lessons learned... in deed.