Ang aking isusulat na dula ay tungkol sa isang bading na laging kinukutya, sakal sa diskriminasyon, at walang nagkakagusto. Dahil sa mga malulungkot niyang karanasan sa buhay, wala siyang tiwala sa sarili, takot siyang makisalamuha sa sosyalidad. Hanggang isang araw habang siya ay naglalakad pauwi, may nakita siyang isang maliit na tindahan ng mga pabango – El Perfume Tienda (The Perfume Shop) ang pangalan ng nasabing establishimento at siya ring pamagat ng aking dula. Pumasok siya rito na animoy nahihiwagahan sa lugar, marahil ay ngayon lang niya nakita iyon kayat hindi siya pamilyar. Nakita niya ang isang matandang babae na aakalain mong manghuhula dahil sa suot nitong mga parapernalya sa katawan. Ang matandang babaeng ito ay may hawak na pabango na inialok niya sa ating bida. Nais bilhin ito ng bading pero inialok ito sa kanya ng libre. Nagtaka siya kung bakit at manghang-mangha ito sa pabangong nakita dahil sa hindi karaniwang hitsura ng hugis nito. Pag-uwi niya ay ginamit niya ang pabango. Isang spray sa kanan, sa kaliwa, sa likod, hanggang sa buong katawan. Napakabango ng pabangong sa kanya’y ibinigay. Hanggang sa ilang saglit ang lumipas matapos niyang gamitin ang pabango ay nagtaka siya sapagkat may unti-unting tumutubo sa kanyang dibdib, dahan-dahang humahaba ang kanyang buhok, nagkakahugis ang kanyang bewang, lumiliit ang kanyang boses, hanggang sa pagharap nito sa salamin ay manghang mangha sa nakita. Napakaganda na niya at tunay na maihahalintulad sa isang dyosa ang kanyang mukha. Hindi niya akaling may hiwagang nababalot sa pabangong kanyang ginamit. Naging isa nga siyang tunay na babae. Dito na magsisimula ang magandang kwento ng kanyang buhay. Ipinakilala niya ang bago niyang katauhan sa mundong kanyang ginagalawan. Mabilis niyang nakukuha ano man ang kanyang naisin. Marami ang nahumaling sa kanya. Pila-pila ang mga manliligaw at napakarami niyang nagging kaibigan at gusting makipagkaibigan sa kanya. Animoy biglang bumaligtad ang kapalaran niya noong siya ay isa pang bading. Hanggang isang araw may nakilala siyang isang napakagwapong lalake, matangkad, maputi, matangos ang ilong, brusko, at matipuno. Wala na siyang hahanapin pang iba sa lalakeng ito. Niligawan siya nito hanggang sa nagging sila. Umikot muli ang storya sa buhay pag-ibig ng bading. Hanggang isang gabi, sa kanilang engagement party ay biglang nagbalik ito sa dati niyang anyo. Nagulantang ang mga bisita. Nagulat at halos hindi makapagsalita ang lalakeng kanya sanang mapapangasawa. Hiyang-hiya ang bading sa kinahinatnan ng pangyayari nang gabing iyon. Hanggang sa bigla nalang nawala ang lalake. Lumipas ang maraming araw, patuloy pa rin niyang ginagamit ang pabango para magpalait-anyo. Hindi niya alam kung hanggang kalian, kung gaano lang katagal ang bisa ng pabango sa kanya. Malapit nang maubos ang pabango. Bumalik siya sa lugar kung saan niya nakita ang tindahan ng pabangong noo’y kanyang pinuntahan. Nagulat siya ng wala na ito sa lugar kung saan ito nakatayo. Nagtanong siya sa mga taong nakatora sa paligid. Nagulat siya nang malamang wala naman palang tindahan ng pabango ang doo’y nakatayo. Hindi na niya alam ang gagawing gayo’y malapit nang maubos ang pabangong kanyang pinaka-iingat-ingatan. Isang araw, ginamit na niya ang huling patak ng mahiwagang pabango. Hindi niya inaasahang magkikita silang muli ng lalakeng dapat sana’y kanyang mapapangasawa. Binalikan siyang muli ng lalakeng ito at muli’y inalok ng kasal. Natanggap ng lalake ang buong pagkatao ng bading. Hanggang sa isang araw hindi siya hinihiwalayan ng lalake. Buong araw, gabi, at magdamag silang magkasama. May ninanais palang ipagtapat ang lalake sa bading. Isa pala siyang tomboy na minsan ring binigyan ng mahiwagang pabango na kahalintulad ng sa bading. Bumalik sa dating anyo ang lalake. Ito ang twist ng aking storya. Gulat na gulat ang bading sa nakita. Gayon pa man ang nangyari ay tinanggap din ng bading ang pagkatao ng lalake na isa pa lang tomboy. Hanggang sa hindi na gumamit muli ng pabango ang tomboy. Bumalik na sa dating anyo ang bading. Ikinasal sila at namuhay ng masagana’t masaya. Gusto kong tapusin ang aking storya sa eksena matapos ang kasal na biglang babalik ang tugon ng mga tao sa mahiwagang tindahan ng pabango. Lalabas ang matandang babae at aalukin ang mga manunuod sa pabangong kanyang hawak. Ang aral na gusto kong maipahatid sa mga manunuod ay ang pagiging kontento sa sarili sa kung ano ang ibinigay ng Diyos ay dapat tanggapin at pagyamanin ito at ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa iba’t ibang sekswalidad at higit sa lahat ang pagkakaroon ng respeto sa mga miyembro ng ikatlong kasarian.